ARESTADO ang dalawang indibidwal dahil sa umano’y pamemeke ng pampublikong dokumento sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation Division Group ng Manila Police District (CIDG-MPD).
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Arnel,51; at alyas Romeo,45; na kapwa naaresto sa LRC Compound sa Sta.Cruz,Manila.
At large naman ang dalawa nilang kasabwat na sina alyas Perlita at alyas Guillermo.
Ang mga naarestong mga suspek ay nahaharap sa kasong malicious mischief,direct assault at alarm and scandal.
Sa isinagawang operation inilatag ang isang joint entrapment operation ng mga operatiba kaugnay sa pamemeke ng pribadong dokumento particular ang Certificate of Land Title na nagresulta ng pagkakadakip ng mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilang mga dokumento na nakatakdang iberipika sa Land Registration Authority (LRA).